Pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa nangyaring black out sa Panay Island inapela sa ERC at NGCP
Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang Energy Regulatory Commission o ERC at National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na mabusising imbestigahan ang dahilan ng nangyaring power outage sa Isla ng Panay at ilang bahagi ng Western Visayas simula nitong ikalawa ng Enero.
Naniniwala ang lider ng kamara na ang pagtukoy sa ugat ng malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente ay mahalaga upang maiwasang maulit pa ang naturang pangyayari sa hinaharap.
Giit ni Romualdez , nararapat lamang mabigyan ng matatag at maaasahang power infrastructure ang mga residente ng Iloilo at Western Visayas
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home