Monday, January 22, 2024

milks Nagsagawa ng survey ang Kamara  sa mga empleyado nito kaugnay ng panukala na ilipat sa Bonifacio Global City sa Taguig ang gusali nito.


Isang memorandum ang inilabas ng tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco noong nakaraang linggo para sa survey.


Ayon kay Velasco, layunin nito na ipatupad ang transparency at malaman ang sentimyento ng kanilang mga empleyado.


Nakasaad sa memorandum ni Velasco na makakuha ng feedback mula sa mga opisyal, empleyado at congressional staff sa mungkahing relocation sa BGC.


Ang deadline ng pagsagot sa online survey form ay noong January 20.


Sa ngayon, hindi pa inilalabas ang resulta ng survey.


Matatandaan,  bago natapos ang 2023, pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon para pag-aralan ang panukala na ilipat ang gusali ng Kamara malapit sa bagong gusali ng Senado sa Taguig.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home