Thursday, January 11, 2024

Umarangkada na ang imbestigasyon ng House Committee on Energy kaugnay sa nangyaring malawakang blackout sa Panay Island at Western Visayas.

Dumalo sa nasabing pagdinig ang mga lokal na opisyal ng rehiyon.


Ibinahagi ng mga opisyal sa Western Visayas ang kanilang naging experiensiya sa nangyaring tatlong araw na blackout.


Nanawagan ang mga lokal na opisyal sa Kamara na kailangan nila ng pangmatagalang solusyon para hindi na maulit ang insidente kung saan malala ang epekto nito hindi lamang sa mga kababayan natin sa rehiyon kundi maging sa sektor ng negosyo.


Ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor hangad nila na may managot sa insidente subalit mahalaga din na magkaroon na ng pangmatalagalang solusyon.


Nais din nì Gov. Defensor na tapusin na ang vital infrastructure ang pagbuo sa Cebu-Negros-Panay backbone project.


Sinabi ni Defensor kapag natapos ang nasabing proyekto hindi na mauulit ang malawakang brownout.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home