Thursday, January 11, 2024

Inusisa ni Deputy Majority Leader at Iloilo 3rd district Rep. Lorenz Defensor ang mga ahensya ng pamahalaan kung may pinatwan na ba sila ng parusa sa nangyaring blackout sa Western Visayas.


Partikular dito ang  Energy Regulatory Commission (ERC), Department of Energy (DOE) at Philippine Electricity Market Corporation (PEMC). 


Sa pagtalakay ng House Committee on Energy sa nangyaring malawakang kawalan ng kuryente noong January 2, ipinunto ng mambabatas, na ito na ang ikalawang malawakang power outage sa Panay Island ngunit wala pa ring napatawan ng penalty.


Noong April 2023 ay nagkaroon ng rin ng blackout sa naturang rehiyon.


"I can't believe that for a period of almost a year, wala tayong resolution (we have not had any resolution) from the government agencies that are supposed to oversee the energy industry, especially Iloilo na pangalawang bases nang nangyari ito…Mayroon na ba kayong naisyuhan ng notice of violation? Naimposan ng penalty?” tanong ng mambabatas


Nais naman ni Defensor na makita sa final committee report na mayroong mapanagot at mapatawan ng parusa sa nangyaring kawalan ng kuryente sa Panay Island, lalo na sa kanilang probinsya sa Iloilo.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home