Thursday, January 11, 2024

Nangako ang NGCP na tutukuyin kung bakit naputol ang pagpapadala ng advisory sa DOE at ERC noong araw na maganap ang tripping ng mga planta sa Western Visayas.


Sa pagdinig ng House Committee on Energy sa nangyaring island-wide black out sa Panay, nausisa ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor kung bakit mula 10:30 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon ng Enero a-dos kung kailan naganap ang pag-palya ng mga planta ay hindi na nakapagpadala ng abiso ang NGCP.


12:06 nang unang pumalya ang PEDC o Panay Energy Development Corporation (PEDC) Unit 1.


2:19PM naman nang bumagsak ang iba pang mga planta.


Noong nangyari kasi ang power outage sa Iloilo noong April 2023, nagkasundo ang NGCP, ERC at DOE na bumuo ng isang viber group para doon ipadala ang update sa estado ng mga planta.


Ngunit noong Enero a-dos, sa nabanggit na mga oras ay walang mensahe na naipadala.


Ayon naman kay Clark Agustin, NGCP Visayas Operations System Head, aalamin nila kung bakit hindi nakapagpadala ng advisory sa naturang kritikal na oras.


Sabi naman ni Agustin na nakapagpadala naman sila ng SMS message noong mag-trip na ang mga planta.


##

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home