Friday, January 26, 2024

hajji Binira ni House Speaker Martin Romualdez ang aniya'y mabagal na trabaho ng Senado kaugnay sa priority bills na natalakay sa Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC at State of the Nation Address.


Sa panayam kay Romualdez, ibinida nitong natapos na nila ang LEDAC measures tatlong buwan bago ang target noong 2023 at ang SONA priorities na mas maaga ng anim na buwan.


Wala aniya silang "back subjects" at hinihintay na lang na kumilos ang mga senador upang aprubahan ang mga panukalang batas.


Giit ni Romualdez, sa halip na punahin ang trabaho ng Kamara ay mas makabubuting huwag nang pakialaman ng Senado ang isyu ng People's Initiative, Resolution of Both Houses at ang iba pang may kinalaman sa pag-amiyenda sa Saligang Batas.


Ibinunyag ng House leader na kaya hindi natuloy ang LEDAC meeting kahapon ay dahil nagpapaliguy-ligoy umano ang Senado at humihiling ng extension sa priority measures.


Dagdag pa nito, dapat tigilan na ang distractions, tutukan ang trabaho at tapusin na ang lahat ng assignment lalo't naghihintay na ang mga Pilipino.


Sa kabila umano ng "toxic" na mga pahayag na nagmumula sa mga senador ay hindi papatol ang Kamara kaya dapat ay ayusin nila ang kilos at pakikitungo sa ngalan ng parliamentary courtesy.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home