hajji Mariing pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez ang alegasyon ni Senadora Imee Marcos na nagmula umano sa tanggapan ng Speaker ang 20 million pesos na alokasyon sa bawat distrito upang isulong ang People's Initiative at timeline para sa Charter Change.
Sa panayam kay Romualdez ngayong araw, hinamon nito si Marcos na patunayan ang ipinakakalat na impormasyon sa korte, Commission on Elections o sa alin mang pamamaraan dahil wala umano itong basehan.
Marahil aniya ay nakikinig ang kanyang pinsan sa mga "Marites" o mahilig magpakalat ng intriga sa Senado.
Itinanggi rin ni Romualdez na nakakausap niya ang senador at nilinaw na hindi pa sila nagkikita kahit noong holiday season.
Maging ang akusasyon na nagtatampo ang House leader kay Marcos ay wala umanong katotohanan dahil malaya naman itong tumawag o mag-text para linawin ang mga isyu.
Ngunit kung mas gusto ni Marcos na magsalita sa media, ipinunto ni Romualdez na may mga bagay siyang sinasang-ayunan at tinututulan kaya mas makabubuting basahin ng senadora ang mga ulat at references lalo na patungkol sa People's Initiative.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home