Tuesday, February 27, 2024

Hajji

Paiimbestigahan ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang napaulat na paglipana ng smuggled na sibuyas at iba pang agricultural products online.


Batay sa House Resolution Number 1600, iginiit ni Lee na kailangan na ng decisive na hakbang mula sa gobyerno upang protektahan ang mga consumer pati na mga magsasaka at mangingisda.


May mga nakarating aniyang reklamo mula sa local farmers na nalulugi dahil sa mababang farmgate price ng produkto at nangangamba silang hindi mabebenta ang ani dulot ng murang smuggled na sibuyas online.


Kinumpirma rin ng kongresista na may mga nagsumbong na nakabili online ngunit nang dumating sa kanila ay hindi maganda ang kalidad at ang iba ay nabubulok na.


Sa impormasyon mula sa Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, malaki na ang nalulugi sa mga magsasaka dahil sa 28 pesos kada kilo na farmgate price samantalang ang production cost ay 30 pesos kada kilo.


Ipinunto pa ni Lee na kailangang suriin ng pamahalaan ang banta sa kalusugan ng mga ibinebentang sibuyas online sa pagsasagawa ng phytosanitary tests sa pakikipagtulungan ng Bureau of Plant Industry.


Kasabay nito, ipinanawagan ni Lee ang agarang pagpasa sa panukalang batas na mag-aamiyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 upang magpataw ng mas mahigpit na parusa laban sa agricultural smugglers, hoarders, price manipulators, cartel at mga sangkot na opisyal at kawani ng gobyerno.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home