Friday, February 23, 2024

Powee NSCR kritikal na solusyon sa trapiko sa Metro: Villar


Pinuri ni Senador Mark Villar kamakailan ang DOTr sa pagpapatupad ng Proyektong North South Commuter Railway (NSCR), na sinasabing lulutas sa trapiko sa Metro Manila.


Ayon kay Villar, ang NSCR ay kritikal na proyekto na maaaring magpagaan ng trapiko sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.


Mag-uugnay ang NSCR mula sa New Clark City, Tarlac patungo  sa Calamba, Laguna na mayroong 36 na istasyon sa National Capital Region, Laguna, Bulacan, at Pampanga.


May ekspress na serbisyo rin ito papuntang Clark International Airport na tumatakbo ng 160 km/hr.


Inaasahang maglilingkod ito sa isang milyong pasahero kada araw pagkatapos ng pagtatapos nito noong 2029.


Naniniwala rin si Villar sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor para malutas ang mga suliranin sa transportasyon.


Nagbabala din ang senador  na ang pagpapatupad ng NSCR ay haharap din sa mga hamon, lalo na sa pagkuha ng karapatan sa pagdaan (right-of-way) at pag-aalis ng mga informal settlers sa mga dadaanan ng tren.




Binanggit niya na ang "mabilis at maayos na pagtatapos ng NSCR ay nangangailangan ng mabilis na pagkuha ng ROWs sa mga kasalukuyang linya ng Philippine National Railway (PNR) kung saan tatakbo ang NSCR.


"Hindi magiging madali ang gawain," binanggit ni Villar. "Ito ay nangangailangan ng maingat na balanse sa pagitan ng interes ng progreso, at ng mga komunidad na maapektuhan at pinansyal na gastos sa pag-aalis ng malalaking komunidad ng mga informal settlers," dagdag pa ni Villar.


Sinabi din ni DOTr Undersecretary for Rail na si Jeremy Regino na may mga 14,000 pamilyang informal settlers ang naapektuhan ng proyekto. Sinabi niya na handa ang pamahalaan na magbigay ng socialized housing sa mga lugar ng resettlement para sa mga kwalipikadong pamilya, pati na rin ang relocation at iba pang economic assistance para sa kanila.


Sinabi ni Regino na ang mga alalahanin ng mga apektadong informal settlers ay pinag-uusapan nang sabay-sabay ng DOTr, mga kinauukulang lokal na pamahalaan, mga ahensya ng pabahay, at iba pang mga ahensya ng gobyerno.


xxx


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home