hajji
Pinag-aaralan ng liderato ng Kamara ang mga panukala na magtataas sa arawang sahod ng mga manggagawa mula 150 pesos hanggang 350 pesos kada araw.
Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, nagbigay ng direktiba si Speaker Martin Romualdez na humanap ng epektibong pamamaraan upang maitaas ang take-home pay ng mga manggagawa kabilang na ang legislated wage hike o revisions sa mekanismo ng regional wage board.
Nagkaroon aniya ng consensus ang mga kongresista at napagkasunduan na masyadong maliit ang 100 pesos na legislated wage hike na inaprubahan ng Senado at maaaring hindi umano nito matutugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa.
Ang 150 hanggang 350 pesos na dagdag sa minimum wage ay mas magpapabuti umano sa bumabagsak na purchasing power ng labor sector.
Paliwanag ni Dalipe, bagama’t kinikilala nito ang pagsisikap ng Senado, nangangamba ang mga miyembro ng Kamara na kukulangin ang isandaang piso kaya kailangang tiyakin na ang legislative actions ay tunay na magpapabago sa buhay ng mga manggagawa.
Dagdag pa ng House leader, marapat na tingnan ang bigat ng pinapasan ng mga manggagawa dulot ng inflation at epekto ng global conflicts at fiscal crisis.
Siniguro naman ni Dalipe na handa na ang House Committee on Lanor and Employment na gawing prayoridad ang pagbusisi sa mga panukala na may kinalaman sa taas-sahod.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home