Tuesday, February 20, 2024

Hajji 

Pinasususpinde ni Marikina City Representative Stella Quimbo ang premium contributions ng lahat ng minimum wage earners sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.


Batay sa House Resolution 1595 na inihain ni Quimbo, nais nitong ipagamit ang pondong hindi nagastos na inilaan sa PhilHealth para sa premium subsidies upang pagaanin ang sitwasyon ng vulnerable workers.


Kasama sa minimum wage earners ang employed at self-employed Filipinos.


Layon ng resolusyon na i-reassess ang benefit packages at premium contribution rates ng PhilHealth alinsunod sa Universal Healthcare Law.


Hindi lamang umano short-term economic relief ang idudulot ng suspensyon kundi maisasalang din sa comprehensive review ang benefits at contribution structure.


Ayon kay Quimbo, noong 2022 ay naglaan ang Kongreso ng walumpung bilyong piso para i-subsidize ang premiums ng mahihirap na pamilya, senior citizens at persons with disabilities sa PhilHealth.


Ngunit iniulat aniya ng Philhealth na nabigo itong gastusin ang 24 billion pesos mula sa naturang pondo habang noong nakaraang taon ay 39 billion pesos ang hindi nagamit mula sa 79 billion pesos na premium subsidy.


Paliwanag ng kongresista, kayang tustusan ng hindi nagamit na pondo ang premium contributions ng minimum wage earners sa loob ng isang taon nang hindi nakokompromiso ang financial stability ng PhilHealth lalo't noong 2022 ay 19.6 billion pesos lamang ang premium contribution.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home