rpp Mga kongresista itinanggi paratang na may kinalaman sa Senate kudeta
Nanawagan ang mga kongresista sa mga senador na tigilan na ang pagtuturo sa Kamara de Representantes na pinanggalingan ng kuwento na mayroong nagpaplano ng kudeta sa Senado.
“I would say that this would be suntok sa buwan na,” ayon kay 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez sa isang press conference.
Ikinagulat din ni Gutierrez ang paratang na nagsimula sa Kamara ang planong Senate coup.
“According to some quarters of the Senate, mga congressman lang daw po kami. Napakalakas naman po natin kung makaka-impluwensya po kami dyan sa upper chamber. Kinakagulat po namin ito because as far as I’m concerned, as far as I know, yung question po ng voting jointlyl ay dun lang sa economic cha-cha bakit po biglang kasama na kami sa internal rules nila about electing their leaders. Wala naman po kaming boto doon,” tugon ni Gutierrez sa tanong ng media.
Iginiit naman ni Rep. Migs Nograles, kinatawan ng Pwersa ng Bayaning Atleta Partylist, kung bakit laging ibinabato sa mga kongresista ang sisi sa mga nangyayari sa Senado, gayung ang dalawang kapulungan ay mayroong kanya-kanyang ipinapatupad na patakaran.
“Why is it that when senators bicker, we always end up being the culprit? We don’t have anything to do with them in terms of their leadership. They have their own internal rules, we respect their rules, we respect who they want as their leader,” sabi ni Nograles.
“So, why do they have to blame us and again, portray as the bad guys? If they are fighting among themselves, then let them be. We have nothing to do with the internal rules of the Senate and whoever they wish to keep with their leadership,” dagdag pa ng mambabatas.
Sumang-ayon naman si Lanao del Sur First District Rep. Zia Alonto Adiong sa pahayag ng kanyang mga kapwa kongresista.
“We respect the independence of our co-equal branch, the Senate. This is entirely up to the Senate. We are absolutely oblivious of the fact that there is a case, there is an issue going around Senate, ” ayon kay Adiong.
“In fact this is entirely up to the majority in the Senate so we don’t know why they keep on tagging us every time there’s an issue coming up. We don’t know what went these past few days why the issue came out,” dagdag pa ni Adiong. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home