ISINUSULONG NA COMMON GROUND SA EKONOMIYA NG CHA-CHA SA PAGITAN NG SENATE AT HOUSE, OKAY SA MGA MAMBABATAS
Nagpahayag ng kasiyahan ang mga mambabatas na ang Kamara at Senado ay nagkasundo sa isang common ground para sa hakbang hinggil sa mga probisyon sa pag-amyenda sa 1987 Konstitusyon, matapos na ihain sa Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na kahalintulad ng RBH 6 na inihain sa Senado. Ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, ito ang pinakamalaking kahalagahan ng pinakahuling hakbang. “If we really look at it, the House and the Senate have found the middle ground, have found the common ground for future actions on what to amend. We’ve agreed on what the Senate has actually proposed and the House is also doing parallel efforts to go through the process of approving the same version,” aniya. Sinabi ni Acidre na malaki ang kanyang tiwala na gagawin ng pamunuan ng Senado sa abot ng kanilang makakaya, upang mahikayat ang mga senador na ipasa ang RBH 6. “To be honest, I’m a little bit more optimistic with the process in the Senate because the Senate version is actually authored by the leadership of the Senate. It was authored by the Senate President, by the Senate majority leader, by the pro-tempore, and of course the chairperson of the sub-committee. I’m sure that they will do a much better job than us here in Congress in convincing their colleagues,” aniya. Sinabi rin ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte Jr. na dapat ay magkaroon ng maigting na talakayan kung papaano magkakasundo ang Kamara at Senado sa naturang ground. “I think that’s the best in the bicameral Congress. You know, these three provisions originated from them. So, I think when they proposed these three amendments, I know for a fact na pinag-aralan at pinag-isipan na nila ito. So I think if they delay it further, you know, dapat tanungin ng tao bakit gusto i-delay, di ba?,” aniya. Ang RBH 7 ay kahalintulad ng RBH 6 ng Senado, na nagpapanukala ng mga amyenda sa mga Articles XII, XIV at XVI, na nakatuon sa pambansang patrimonya, ekonomiya, edukasyon at pangkalahatang mga probisyon ng charter. Ayon kay Majority Leader Manuel Jose Dalipe, binabanggit sa RBH 7 ang usapin ng constituent assembly upang matiyak na ang mga probisyong pang-ekonomiya na isinusulong ng Senado lamang ang tatalakayin. Inaasahan rin ang ‘committee of the whole’ upang mapabilis ang proseso ng pag-amyenda sa mga mahihigpit na mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon. Binigyang-diin ni Villafuerte na dapat ay magkaroon ng ganap na talakayan sa panukalang pagbabago, upang ganap na maunawaan ng mga mamamayan ang pangangailangan sa pag-amyenda sa Konstitusyon. Bukod pa rito, sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Ty na walang dapat na ikabahala sa pagbabago ng mga usapin sa ekonomiya ng Konstitusyon, at iginiit na ang ibang mga bansa ay regular na inaamyendahan ang kanilang konstitusyon. Binanggit niya ang naunang pahayag ni Palawan Rep. Jose Alvarez na tatlo sa 343 Korean businessmen ang namuhunan sa bansa noong 2023, na ang 340 ay namuhunan sa mga kalapit na bansa, partikular na sa Vietnam.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home