Thursday, February 08, 2024

isa Panahon nang magkaroon ng batas laban sa mga “deepfake” bago sumapit ang Eleksyon 2025.


Ito ang sinabi ni Art Samaniego, na isang cyber security analyst na humarap sa joint briefing ng House Committees on Information and Communications Technology, at Public Information ukol sa mga ulat ng “cyberattacks” sa mga digital domain ng pamahalaan.


Ayon kay Samaniego, batay sa kanyang obserbasyon ay wala pang batas sa Pilipinas kontra sa deepfakes.


Aniya, malapit nang mag-halalan kung saan inaasahan na may mga gagamit ng deepfakes.


Giit ni Samaniego, kailangan na gumawa ng batas ang Kongreso tungkol dito upang mapagbawalan ang deepfakes, o ma-regulate ang Artificial Intelligence o AI.


Ang deepfake ay “synthetic media” na digitally manipulated upang palitan ang mukha ng isang tao gamit ang ibang mukha.


Naging kontrobersyal ang deepfakes dahil nagagamit ito sa child sexual abuse, bullying, fake news at iba pa.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home