Isa
Tatlong beses kada linggo magdaraos ng deliberasyon ang Committee of the Whole ng Kamara, para sa Resolution of Both Houses o RBH no. 7 o economic Charter Change o Cha-Cha.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na may talakayan ang Committee of the Whole ng Lunes, Martes at Miyerkules, simula sa Feb. 26, 2024.
Ayon kay Dalipe, hindi na isasalang pa ang RBH no. 7 sa “sub-committee” dahil buong membership na ng Kamara ang makikibahagi sa deliberasyon sa plenaryo.
Nilinaw naman ni Marikina City Rep. Stella Quimbo na hindi shumu-short-cut ang Kamara, kaya nagpasyang mag-convene bilang Committee of the Whole.
Sinegundahan ito ni Dalipe, at sinabing kung magsho-short cut ay hindi na sila mag-ta-tatlong beses kada linggo na deliberasyon.
Si House Deputy Speaker David Suarez naman, hinimok ang higit 300 kongresista na makisali sa mga debate.
“Advantage” aniya ng Committee of the Whole, dahil ang lahat ay uubrang makibahagi hindi tulad sa ordinaryong committee hearing.
Dagdag ni Suarez, dahil sa bigat ng usapin ng economic Cha-Cha, nararapat lamang na kasama ang lahat ng mga kongresista, at bukas din sa anumang ideya, opinyon, “violent reactions” at iba pa, para sa isang makatotohanang diskusyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home