Itinuturing ng Kamara bilang urgent o mahalagang usapin ang panawagang umento sa sahod.
Kaya naman sa susunod na linggo ay sisimulan na ng House Committee on Labor and Employment ang pagtalakay sa mga panukala na nagsusulong ng wage increase.
Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, babalansehing mabuti ng Kamara ang epekto ng legislated wage hike sa parte ng mga manggagawa at ng mga negosyo.
Ipinunto ng mambabatas na isang ekonomista, kung ipatutupad ang legislated wage hike ng Senado na nagkakahalaga ng P100 across the board, ay hindi magiging pantay ang epekto nito kada rehiyon.
Kung dito aniya ito ipapatupad sa Metro Manila ay kulang ang halaga ngunit kung sa probinsya gaya ng Tawi-tawi ay tiyak na mabigat na pasanin naman ito sa mga maliliit na negosyo.
Sabi pa ni Quimbo na ang taas sa sahod ay mangangahulugan din ng mas mataas na kaltas para sa mga mandatory contribution gaya ng SSS at Philhealth.
Kaya mahalaga aniya na mapakinggan din ang panig ng economic managers pagdating sa epekto nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa at isyu ng unemployement.
Sa Kamara naglalaro sa P150 hanggang P350 ang panukalang legislated wage hike.
# #TheWorkingHousePH
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home