Marian
Dulot na rin ng El Niño Phenomenon, isinusulong ng mambabaatas sa Mababang Kapulungan ang pagkakaroon ng rainwater collection system sa mga kabahayan, establisimyento at mga gusali lalo na sa urban areas upang matiyak ang suplay ng tubig tuwing panahon ng tagtuyot.
Ayon pa kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na ang pangunahing layunin ng House Bill 4837 ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng malinis na tubig lalo na sa panahon ng mga kalamidad, pagbabago ng panahon tulad ng El Niño at mabawasan ang mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan at El Niña.
Ang RCS o rainwater collection system ay isang pasilidad na nakadisenyo bilang pansalo, at imbakan ng tubig ulan na dumadaloy mula sa mga bubong ng mga bahay at gusali, upang muling magamit.
Dagdag pa ng mambabatas na ang konsepto ay hindi na bago sa Pilipinas, lalo na sa kanayunan na may kakulangan ng suplay ng tubig. Gayunman, ayon sa mambabatas sa urban areas ay hindi nabibigyang pansin ang pag-iimbak ng tubig, lalo na’t may serbisyo at sapat na suplay na mapagkukunan.
Subalit sa nararanasang El Niño, patuloy na bumababa ang water level sa Angat dam na makakaapekto sa suplay dahil na rin sa taas ng demand dulot ng tag-init.
Sinasabi sa panukala ang Department of Public Work and Highways (DPWH) ang magiging responsible sa paglalagay ng RCS sa mga tanggapan ng pamahalaan. Kinakailangan ding bahagi sa plano o disenyo ng mga may ari at developer ng mga residential, at commercial buildings ang paglalagay ng RCS.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home