med Aff RESEARCH-BASED GOV'T RIGHTSIZING AT TUGON NG BANSA SA USAPIN NG WPS, TINALAKAY
Ipinagpatuloy ngayong Lunes sa isang roundtable discussion (RTD) ng evidence-based research, ng mga miyembro ng Kapulungan at Congressional Research Fellows ang pagtalakay sa mga pag-aaral sa rightsizing ng public sector at ang pagtugon sa paggigiit ng mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na namuno sa talakayan, na ang komprehensibong pag-uuri sa rightsizing ay dapat munang ilikha, at ang ganap na interbensyon ay kinakailangan sa pagbalangkas ng batas, upang mapagtanto kung talagang may magkakapatong na tungkulin sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan.
Idinagdag niya na ang mga tungkulin sa devolution ay dapat na matukoy, upang malaman kung anong mga serbisyo ang nakaatang sa lokal o pambansang pamahalaan.
Ayon kay House of Representatives Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) Deputy Secretary General (DSG) Dr. Romulo Miral Jr., ang pagsasaliksik ay nakatuon sa pagtukoy ng mga kundisyon para sa epektibong rightsizing ng pamahalaan, at pagpapaunlad ng strategic policy framework, mga rekomendasyon sa polisiya, at ang rightsizing diagnostic tool na magagamit ng mga gumagawa ng polisiya mula sa hanay ng ehekutibo at lehislatura, sa pagpapatupad ng rightsizing sa pamahalaan.
Ayon kay Dr. Ronald Mendoza ng Ateneo Center for Economic Research and Development, nagsisimula ang rightsizing sa pag-eeksamin at pagtalaga ng naangkop na mga responsibilidad, mandato, istraktura, aktibidad, at mga pamamaraan sa mga ahensya ng pamahalaan – na magsulong ng epektibo, tumutugon at maayos na paghahatid ng serbisyo.
"Ang starting point natin ay i-proseso ang ating rightsizing. Kailangan po na meron tayong mga guiding frameworks at principles para maayos po itong prosesong ito, at para maatim po natin ang ating objective sa ating rightsizing, ang better public services for our people," ani Mendoza.
Dumalo rin sa RTD sina Reps. Roman Romulo, Francisco Benitez, France Castro at Jernie Jett Nisay. Ang RTDs aisisagawa ng CPBRD, sa pakikipag-ugnayan sa Ateneo De Manila University, De La Salle University, University of the Philippines at iba pang pangunahing ahensya ng pamahalaan, na magprisinta ng evidence-based research, bilang suporta sa eight-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home