milks Chief Presidential Legal Counsel JPE, isa sa makatatanggap ng P100K centenarians gift mula sa gobyerno…
…
Isa si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa makatatanggap ng 100-thousand pesos bilang benepisyo sa ilalim ng Centenarians Law of 2016.
100 years old na si Enrile sa February 14.
Ayon kay Congressman Marvin Rillo, miembro ng House Committee on Appropriations, 186-million pesos ang inilaan sa 2024 national budget para sa tax free cash gift sa mga Filipino centenarians.
Sa ilalim ng Centenarians Law of 2016, lahat ng natural born Filipinos, maging naninirahan sa Pilipinas o sa abroad, pagsapit ng 100 years old ay entitled na makatanggap ng 100-thousand peso one time cash gift bukod sa letter of felicitation sa Pangulo.
Sabi ni Rillo, sa records ng Department of Social Welfare and Development, umaabot na sa 1.2-billion pesos ang nai-released na cash gift sa 12,187 centenarians mula noong 2017.
Samantala, lagda na lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang hinihintay para sa dagdag pang benepisyo sa ating mga nakatatanda.
Sa bill, 10-thousand peso one time cash gift ang matatanggap ng mga senior citizen na sumapit na sa 80, 85, 90 at 95 years old.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home