PANUKALA NG PAGLAHOK NG MGA KABABAIHAN SA MGA PARTIDO POLITIKAL, PASADO
Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Women and Gender Equality sa Kamara, na pinamumunuan ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang substitute bill, kabilang na ang draft committee report, sa mga House Bills 6004 at 9667, o "Women Participation and Representation in Political Parties Act."
Pinangunahan ni Committee vice chairperson at Laguna Rep. Ma. Rene Ann Lourdes Matibag ang pulong. Layon ng parehong panukala na isulong ang gender equality sa pamamagitan ng pagtitiyak sa pantay na partisipasyon ng mga kababaihan sa pambansang lehislatura, at takpan ang umiiral na agwat sa kasarain sa pangangalaga ng kalusugan, edukasyon at paglahok ng mga manggagawa.
Sa inaprubahang substitute bill, imamandato sa mga partido politikal na magbalangkas at magpatupad ng mga malinaw adyenda at programa sa Gender and Development (GAD), alinsunod sa mga pilosopiya at layunin ng bawat partido politikal.
Gagampanan ng Philippine Commission on Women (PCW) ang mahalagang papel sa pagtulong sa mga partido politikal sa pagpapaunlad ng naturang adyenda, at magbabahagi ng kahusayan at paggabay, upang matiyak ang pagiging epektibo at pagiging kaugnay nito.
Bukod pa rito, imamandato sa Commission on Elections (COMELEC) upang isama ang adyenda ng GAD bilang karagdagang rekisitos para ma-akredit ang isang partido politikal. Ang panukala ay inihain nina Roman at Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas.
Tinalakay rin ng lupon ang mga HBs 6001 at 9835, o ang panukalang "Gender Responsive and Inclusive Public Health Concern at Disaster Management Act."
Layon ng parehong panukala na magbahagi ng gender-sensitive at inclusive protocols at mga inisyatiba para matugunan ang walang kaparis na pangangailangan ng mga kababaihan sa panahon ng pampublikong panganib sa kalusugan, mga banta, mga kalamidad, at iba pang mga mapanganib na pangyayari sa kalusugan.
Nagbahagi naman ng kanilang mga pananaw ang mga resource persons at nagsusulong mula sa PCW, National Economic and Development Authority, Philippine National Police, Commission on Human Rights at ang Commission on Filipinos Overseas at iba pa, at nagsumite rin ng kani-kanilang mga position papers sa dalawang panukala.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home