tina Muling nanawagan at dinepensahan nina House Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales, TGP party-list Rep. Jose “Bong” Teves Jr. , Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe si House Speaker Martin Romualdez kaugnay sa isyu ng Charter Change sa naging pulong balitaan sa kamara ngayong hapon.
Ayon kay Congresswoman Roman hindi nais ng kamara ng word war at naniniwala siyang ang nag-uusap ng tapat ay nagsasama ng maluwag .
Aniya kung ipinahayag ng mga kongresista ang kanilang mga sentimento at damdamin sa pamamagitan ng resolusyon sa halip aniya na ituring itong negatibo ng senado mas mainam na unawain.
Giit pa ni Roman hindi layunin ng kamara na mas lumala pa ang bangayan kundi makapag-ayos na upang makapagtrabaho na ng maayos ang lahat
Ayon naman kay Cong. Teves Jr. nais lamang ng kamara na maipasa ang Resolution of Both Houses Number 6 na tumutukoy sa pag-amyenda sa economic provisions ng saligang batas.
Nanindigan naman si Cong. Dalipe na kailangan na i-update ang konstitusyon para sa kapakanan ng taumbayan.
Habang nanawagan si Cong. Gonzales na tigilan na ang personal na paninira sa house speaker ayaw na nilang lumalim ito at hindi layunin ng kamara ang buwagin ang senado .
Pakinggan natin ang mismong panawagan ni Gonzales sa Senado...
GONZALES
Iyan ang mensahe ni Congressman Gonzales sa naganap na pulong balitaan sa kamara ngayong hapon
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home