Garin pinag-iingat ang publiko sa Pertussis
Pinayuhan ni dating health secretary at House Deputy Majority Leader Janette ang publiko nitong Biyernes na mag-ingat, panatilihin ang proper hygiene, at magpabakuna kasunod ng Pertussis outbreak sa Quezon City kung saan apat na sanggol ang nasawi dahil sa impeksyon ng sakit.
Inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte mayroong Pertussis outbreak sa lungsod, isang contagious respiratory disease, at nakapagtala ng 23 kaso noong Marso 20.
Sinabi ni Garin na kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng mga kaso na ito ay ang pagbaba ng paggamit ng bilang nagpapabakuna dahil sa mga kumakalat na maling impormasyon.
“This is alarming but we can prevent the spread of this disease through vaccination and observing proper hygiene,” sinabi ni Garin.
“One of its causes is the recent decline in vaccine uptake brought about by fake news and infodemic has also affected the uptake of DPT (diphtheria, pertussis, tetanus). Vaccination saves lives hence we need to catch up,” giit pa ng mambabatas.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Pertussis ay isang nakakahawa na respiratory infection na dulot ng bacterium Bordetella na madaling kumakalat mula sa tao sa pamamagitan ng mga droplet na dulot ng pag-ubo o pagbahing at pinakamapanganib sa mga sanggol.
Kasama sa mga sintomas ang mild fever, runny nose, at ubo, na posibleng unti-unting nagiging isang hacking cough na sinusundan ng whooping, ayon pa sa WHO.
Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna laban sa mga vaccine-preventable disease habang patuloy na tumataas ang kaso ng tigdas at pertussis.
Sa unang 10 linggo ng 2024, nakapagtala ang DOH ng 453 kaso ng Pertussis na mas mataas kaysa noong 2023 na may 23 kaso lamang sa parehong panahon.
“Nakakahawa po ito lalo na sa mga bata o sanggol. Dahil mga bata iyan, hindi nila alam kung saan sila pwedeng mahawa kaya malaki ang responsibilidad ng mga magulang dito para maprotektahan ang kanilang anak sa sakit na ito,” aniya ng Iloilo First District Representative. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home