Hajji
Binati ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Bongbong Marcos matapos makasiguro ng 1.53 billion US Dollars o 86 billion pesos na halaga ng investments mula sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit.
Ayon kay Romualdez, labindalawang business deals ang nalagdaan na magpapaangat sa kumpiyansa sa ekonomiya at magpapaigting sa economic cooperation sa pagitan ng mga bansa.
Tiyak aniya na lilikha ng maraming trabaho at kabuhayan para sa mamamayan ang iuuwing investments ng pangulo.
Tiwala rin si Romualdez na mabubuksan ng ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Agreement ang panibagong oportunidad para sa mga Pilipinong negosyante na nasa micro, small and medium enterprises.
Sa ginanap na Leader's Plenary Session sa summit ay inanunsyo ni Pangulong Marcos na nilagdaan ng bansa ang second protocol sa AANZFTA.
Umaasa ito na tutugon ang kasunduan sa nagbabagong multidimensional challenges sa larangan ng pagnenegosyo at tutulong sa region-to-region efforts upang palakasin ang katatagan ng supply chain, expansion ng trade and investment, inclusivity at sustainable development.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home