Friday, March 08, 2024

Milks


Agarang pagpasa sa Magna Carta for Filipino Seafarers ipinanawagan sa harap ng pagkamatay ng dalawang Filipino seafarers sa Gulf of Aden…


Napapanahon nang pagtibayin ang Magna Carta for Filipino Seafarers.


Ito ang apela ni OFW Partylist Representative Marissa Magsino sa pagkasawi ng dalawang Pilipinong marino sa Gulf of Aden.


Ipinarating ni Magsino ang pakikiramay sa pamilya ng dalawa nating kababayan dahil sa missile attack ng Houthi (huti) rebels sa Gulf of Aden.


Ayon kay Magsino, ang ganitong trahedya ay nagpapakita ng panganib sa trabaho ng ating mga marino kaya dapat mapagtibay ang panukala para mapangalagaan ang kanilang kapakanan pati ang kanilang pamilya sa panahon ng krisis.


Sa panukalang Magna Carta for Filipino Seafarers, titiyakin ang maayos at ligtas na lugar ng trabaho na sumusunod sa pamantayan ng kaligtasan.


Kasama na dito pamamagutan ng ship owners sakaling may kapabayaan sa paglalayag lalo na sa mga high risk areas gaya ng Gulf of Aden.


Umapela rin si Magsino sa gobyerno na manawagan sa United Nations Security Council mamagitan sa pagbibigay ng seguridad sa mga barko na naglalayag sa mga rutang ito na daanan  sa pandaigdigang kalakanan.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home