Friday, March 08, 2024

Inaprubahan na ng Committee of the Whole ang Resolution of Both Houses No. 7 o ang isinusulong na pag-aamiyenda sa mga economic provision ng Saligang Batas o economic Chrter Chage o cha-cha.


Ito ay makalipas ang ilang oras na deliberasyon sa panukala at sa kabila ng ilang mga katanungang komukontra.


Bagama’t lusot na sa Committee of the Whole ang RBH no. 7, hindi pa rito natatapos ang lahat.


Ayon kay House Deputy Majority Leader Neptali Gonzales II, kailangan pang i-adopt ang committee report nito, bago i-diretso sa plenaryo ng Kamara para sa 2nd reading.


Sa tantiya ni Gonzales, aabot ito ng tatlong araw o March 11, 12 at 13.


Pero inaasahang mabilis naman ito dahil ang interpelasyon ay sa pagitan na lamang ng mga kongresista.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home