Thursday, April 04, 2024

Walang plano si Senador Raffy Tulfo na tumakbong pangulo sa halalan sa taong 2028.


Ito ang kinumpirma ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo matapos lumabas ang survey ng Pulse Asia kung saan "statistically tied" sa pagka-pangulo sina Senador Tulfo at Vice President Sara Duterte.


Sa panayam sa Kamara, sinabi ni Congressman Tulfo na nagkausap sila ng kanyang kapatid at iginiit na malaking sakit sa ulo lamang umano ang pagtakbo bilang presidente sa 2028.


Maging siya ay tila tututok na lamang umano sa Kamara de Representantes dahil pareho lang ang trabaho nito at ng Senado at masaya siya sa kasalukuyang posisyon.


Tungkol naman sa paglutang ng pangalan ng isa pang kapatid na si Ben Tulfo, ikinagulat aniya nito na isinama siya sa survey ngunit ang tingin ng kongresista ay eksperimento ito ng Pulse Asia tulad ng nangyari kina Senador JV Ejercito at Jinggoy Estrada.


Gayunman, nagpasalamat pa rin si Tulfo sa mga bumoto sa kanyang pangalan sa nabanggit na survey at nilinaw na ang dapat pagtuunan ng pansin sa ngayon ay ang mabibigat na problema ng bansa gaya ng inflation.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home