Tiwala ang mga lider ng Kamara na mabebenepisyuhan ang ekonomiya ng Pilipinas sa nakatakdang trilateral summit nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., inaasahan na magkakasundo ang tatlong lider para palawakin ang economic cooperation na magreresulta ng dagdag na trabaho sa ating mga kababayan.
Para kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, ang Amerika at Japan ang pinakamalaking trading partners ng ating bansa.
Sa panig ni House Deputy Speaker David Suarez tulong sa sektor ng militar ang maaasahan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos at Japan na pinagkukunan natin ng pinakamalaking source ng Offical Development Assistance.
Bukod sa benepisyong pang-ekonomiya, sinabi ng tatlong lider ng Kamara, makatutulong ang meeting sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Indo-Pacific region.
Matatandaan, ang South China Sea ay isang mahalagang pandaigdigang ruta ng kalakalan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home