Thursday, May 02, 2024

Bigyang prayoridad ng Kamara ang pagpapalakas sa kanilang “oversight functions” partikular para sa mga pangunahing isyu sa bansa sa ngayon: ang presyo ng bigas at iba pang produkto, cybersecurity at West Philippine Sea sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso mamayang hapon.


Ito ang ipinahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez makalipas ang higit isang buwang break. 


Sinabi ni Romualdez na naaprubahan na ng Kamara bago ang Lenten break ang nasa 20 priority measures na inilatag noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC. 


At dahil dito, ang atensyon ng mga kongresista ay naka-pokus na sa kanilang oversight functions, o mag-imbestiga at matiyak na naipatutupad ang kasalukuyang batas o patakaran, masigurado ang transparency, at maprotektahan ang interes ng publiko. 



Una nang sinabi ni Romualdez na kanyang paiimbestigahan sa kaukulang komite ng Kamara ang lumalaking “disparity” o pagkakaiba ng farmgate at retail prices ng mga produkto, na nakaka-apekto sa mga lokal na magsasaka hanggang sa mga consumer. 


Pagdating sa cybersecurity, maalalang tinatarget ang mga website ng mga ahensya ng pamahalaan, at kamakailan ay nabiktima ng "deepfake video" si Pang. Marcos Jr. 


Habang nais din ng Kamara na matugunan ang patuloy na umiinit ang tensyon sa West Philippine Sea.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home