Thursday, May 02, 2024

SUPORTA NG INTERNATIONAL COMMUNITY, MAS LALUNG KAILANGAN NG PILIPINAS SA GITNA NG PATULOY NA MGA PAG-ATAKE NG TSINA LABAN SA ATING MGA BARKO

Mas lalong kailangan ngayon ng Pilipinas ang suporta ng international community sa gitna ng nagpapatuloy na agresibong hakbang ng China laban sa mga barko ng Pilipinas.


Ito ang binigyang-diin ni House Assistant Majority Leader at Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing kasunod ng mas malala at nakamamatay na pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa BRP Bagacay at BRP Datu Bankaw sa West Philippine Sea.


Sa pulong balitaan sa Kamara ngayong araw, sinabi ni Suansing na mahalaga ang pagpapatibay sa relasyon o diplomatic ties ng Pilipinas sa ibang mga bansa.


Binanggit nito ang 500 million US Dollars na halaga ng Foreign Military Financing grant assistance ng Amerika sa ilalim ng Philippines Enhanced Resilience Act of 2024 o PERA Act upang palakasin at gawing moderno ang mga kagamitan ng Armed Forces.


Paliwanag ni Suansing, dito mapatutunayan ang mahusay na stratehiya ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagsusulong ng diplomatic routes habang iginigiit ang international law at ang arbitral ruling noong 2016.


Dagdag pa ni TINGOG Party-list Representative Jude Acidre, sa pagpasok ng budget season sa Agosto ay agad na tututukan ng Kamara ang paglalaan ng sapat na pondo para palakasin ang defense capabilities ng bansa at upang protektahan ang ating soberanya laban sa ginagawa ng China.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home