Thursday, May 16, 2024

Hanggang ngayon,  wala pang natatanggap na sagot ang House Ethics Committee mula kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.


Ayon kay AKO BICOL  Representative Jil Bongalon, vice chairman ng komite, magtatapos pa sa Huwebes ang ibinigay nilang sampung araw na deadline para maipaliwanag ni Alvarez ang kanyang panig.


May 7 nang atasan ng House Ethics Committee si Alvarez na sagutin ang reklamo laban sa kanya.


Sabi ni Bongalon, anim na penalties ang tinitignan ng komite na pwedeng kaharapin ni Alvarez.


Ito ay reprimand, censure, suspension ng 60 days, expulsion sa Kamara at iba pang penalty na pwedeng ipataw ng komite.


Nilinaw ni Bongalon, anuman ang desisyon ng komite ay isasangguni sa mga miembro ng Kamara at pagbobotohan sa plenaryo.


Narito ang pahayag ni Congressman Jil Bongalon, vice chairman ng House Ethics Committee…


Timestamp 0:08-0:54


Ang ethics complaint laban kay Alvarez ay nag-ugat nang manawagan sa rally ng mga Duterte supporters sa Tagum City na i-witdraw na ng Armed Forces of the Philippines ang suporta kay Pangulong Bongbong Marcos. Pinakikilos ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Bureau of Internal Revenue o BIR upang makamit ang “target” na koleksyon ng buwis ngayong taon. 


Ayon kay Romualdez, mahalaga na makuha ang revenue targets upang magamit sa pagpapabilis at pagkumpleto ng iba’t ibang programa at proyekto ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. 


Giit pa niya, ang buwis ay “lifeblood” ng gobyerno, at importante para sa pagbangon ng ekonomiya. 


Sinabi ng lider ng Kamara na kanya namang ikinalulugod ang pag-angat ng koleksyon ng BIR, na pumalo sa 17% ngayong 2024. 


Gayunman, sinabi ni Romualdez na kapos pa rin ito mula sa P3.05 trillion target na itinakda ng economic managers, kaya dapat magdoble-kayod pa rin ang BIR. 


Nabatid na nasa P2.516 trillion ang koleksyon ng BIR noong 2023, habang P2.944 trillion ngayong taon. 


Ani Romualdez, binigyan ng Kongreso ang BIR ng “tools” o mga paraan upang epektibong makapangolekta sa taxpayers. 


Isinabatas din aniya ang Ease of Paying Taxes, upang maging “digitalized” ang mga transaksyon ng BIR at mahimok ang publiko na boluntaryong magbayad ng buwis lalo’t ginawa nang simple, mas madali at libre ang proseso.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home