Friday, June 28, 2024

Hajji 

Pinagtibay ni House Speaker Martin Romualdez ang commitment na aaprubahan nila ang tatlong nalalabing panukalang batas mula sa dalawampu't walong tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC bago matapos ang 19th Congress sa susunod na taon.


Ito ang ipinangako ni Romualdez kasunod ng full LEDAC meeting na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos sa Malacanang ngayong araw kung saan karagdagang limang panukala ang isinama sa listahan kaya sa kabuuan ay animnapu't apat na ang priority measures.


Sinabi ng House Speaker na halos lahat mula sa dalawampu't limang panukala ay nasa "final stages" na at inaprubahan ng Kamara.


Ang mga naturang legislative measures aniya ay mahalaga sa development agenda ng bansa.


Ang limang bagong LEDAC measures na tinukoy ay ang Amendments to the Foreign Investors' Long-Term Lease Act, Amendments to the Agrarian Reform Law, Archipelagic Sea Lanes Act, Reforms to the Philippine Capital Markets at Amendments to the Rice Tariffication Law.


Inihayag ni Romualdez na binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangang ipasa na ang mga panukalang batas upang tumulong sa pagpapaunlad at pagtugon sa mga kinahaharap na suliranin ng bansa.


Isusulong umano ng mga panukala ang polisiya ng administrasyong Marcos para sa pagpapatuloy ng pagbangon, pagsigla at stability ng ekonomiya.


Muli naman nitong iginiit ang mataas na kumpiyansa sa mas magandang kooperasyon at malapit na ugnayan sa Senado sa ilalim ni Senate President Chiz Escudero.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO ——- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home