Milks/06june24
Rice tariff cut indikasyon ng pagtatag ng presyo ng bilihin lalo na ng bigas…
…
Magandang indikasyon ng price stability ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na bawasan ang taripa sa imported rice sa 15 percent mula sa kasalukuyang 30 percent.
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, tama ang ginawa ni Pangulong Marcos dahil factor ng pagtaas ng inflation ang presyuhan ng bigas.
Sabi ni Salceda, dapat palakasin ng gobyerno ang suporta sa domestic sector na kinabibilangan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Batay sa datos, ayon kay Salceda, lumobo na ang pondo ng RCEF sa P30 billion pesos kada taon kaya may sapat na pangtulong sa agricultural sector.
Bukod dito, sinabi ni Salceda, ipinag-utos ni House Speaker Martin Romualdez ang amyenda sa Rice Tariffication Law para mas makatugon ang RCEF sa pangangailangan ng ating mga magsasaka.
Bibigyan din muli ng kapangyarihan ang National Food Authority na tiyakin na makapagbebenta ng abot-kayang presyo ng bigas sa pamilihan
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home