RPP Mga pasyente pinasalamatan si Speaker Romualdez sa pagpupursige na maitaas sa P4,000 ang P2,600 PhilHealth dialysis coverage
Nagpasalamat ang maraming pasyente kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, alinsunod sa pro-poor policy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpupursige nito na maitaas ang dialysis coverage ng PhilHeath sa P4,000 kada sesyon mula P2,600 na malaking tulong sa mga pasyenteng may chronic kidney disease.
Noong nakaraang linggo, nagpasalamat si Speaker Romualdez kina PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. at Health Secretary Teodoro Herbosa sa pag-apruba sa hiling nito na itaas ang dialysis benefits matapos ang pakikipagpulong sa kanila ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo.
Ayon sa hemodialysis patient na si Gerwin Acepcion Castor malaking tulong sa kanya at kanyang pamilya ang mas mataas na dialysis benefit coverage ng PhilHealth.
"Okay po sa akin yung increase na maging P4,000 kasi malaking tulong sa ibang bayarin pa dito. Sana ‘dun napupunta sa ibang bayarin namin," sabi ni Castor.
Pinasalamatan din ni Castor si Speaker Romualdez at ang Kamara de Representantes.”Salamat po sa Kongreso sa pagsulong nyo sa Philhealth para ang mga pasyente na kagaya ko, wala kaming babayaran tuwing salang ng session namin. Maraming salamat po.”
Ganito ang ang pananaw ng 17-taong gulang na si Jamaica Mutia Del Rosario na nagsabing hindi lahat ng pasyente ay mayroong malaking kakayanang pinansyal.
"Mas okay po na taasan nila ang benepisyo, from 2,600 to 4,000 para kahit papano makatipid kami sa iba pong gastusin lalo napo sa pagda-dialysis po," sabi ni Del Rosario.
"Sa sobrang dami po naming dialysis patients, hindi naman po lahat kayang magbayad ng pang co-pay, injection, at pang dialyzer," dagdag pa nito.
"Kay Speaker Romualdez, sana po tuloy-tuloy po ang pagtaas ng benepisyo ni Philhealth lalo nasa aming dialysis patients dahil habang buhay na po kaming ganito na magda-dialysis po."
Ayon naman kay Norman Gajo hindi sapat ang kanyang pensyon para makapag-dialysis kaya nagpapasalamat ito sa pagtaas ng benepisyong matatanggap nito sa PhilHealth.
"It is a very great help for us, lalo na kaming matatagal ng nagda-dialysis. Financially kung tutuusin talaga yung mga pension namin hindi sapat. Very thankful kami na nag-increase kayo ng coverage for us," sabi nito.
"Speaker Romualdez, thank you very much for your efforts, ‘yung malasakit ninyo sa aming mga pasyente," dagdag pa ni Gajo.
Sinabi naman ng dialysis patient na si Aldrin Aguilar na malaking tulong sa mga katulad niyang kapos ang pera ang mas malaking PhilHealth coverage.
"Maraming maraming salamat kasi mabibigyan ng dagdag para sa aming dialysis galing sa kanila. Maraming maraming salamat sa kanilang gagawing tulong na ‘yan sir. Wala naman kaming mga trabaho na, kaya sana ma -cover na lahat para hindi na kami masayado mamroblema,” sabi ni Aguilar.
Nauna rito, sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagtataas ng PhilHealth dialysis benefits ay makatutulong ng malaki sa mahigit 1 milyong Pilipino na kinakailangang magpa-dialysis.
“With the increased assistance, they will no longer have to augment the amount they spend for this procedure, even in private health facilities,” sabi pa nito.
Ang pagtataas sa benepisyo ay makatutulong sa layunin ni Pangulong Marcos at ng Universal Health Care Law na tulungang makapagpagamot ng libre ang mga mahihirap na Pilipino.
Umaasa si Speaker Romualdez na aaprubahan din ng PhilHealth ang pagbibigay ng libreng laboratory test at mammogram sa mga miyembro nito. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home