DAGDAG NA PONDO PARA SA BARMM, ITUTULAK NI SPEAKER ROMUALDEZ
Nangako si House Speaker Martin Romualdez na itutulak ang paglalaan ng dagdag na pondo para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Sa pagdalo ng Leyte first district representative sa ginanap na Bangsamoro Parliament Forum ay sinabi nito na hahanapan nila ng dagdag na pondo ang BARMM upang magamit pampaayos sa mga nasira at nasalanta ng Bagyong Paeng.
Ito aniya ay upang masiguro na tuloy-tuloy ang progreso at pag-lago ng rehiyon kahit pa sila ay tinamaan ng kalamidad.
Pinaka napinsala ng nagdaang bagyo ang lalawigan ng Maguindanao at Cotabato.
“To ascertain further that progress in BARMM will remain uninterrupted in spite of natural calamities, the House of Representatives also intends to seek additional funding for BARMM to cover the cost of repair and rehabilitation in areas most affected by the Severe Tropical Storm Paeng, particularly in Maguindanao and Cotabato.” bahagi ng talumpati ni Romualdez.
Ibinida naman ni Romualdez ang maagang pagpapatibay ng Kamara sa panukalang 2023 National Budget na binuo aniya ng unang Muslim budget secretary at nag-iisang muslim sa gabinete na si Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman.
Nakapaloob sa pambansang pondo ang P74.4 Billion na BARMM Block Grant, Special Development Fund at kanilang bahagi sa nakolektang National Taxes.
“…we at the House of Representatives have acted swiftly on approving the 2023 General Appropriations Bill, based on the proposed 2023 National Expenditure Program that was carefully crafted under the able leadership of Budget Secretary Amenah Pangandaman, the first Muslim Budget Secretary and the only Muslim in the Cabinet. This includes the allocation of P74.4 billion for BARMM – for the BARMM Block Grant, Special Development Fund and share in National Taxes collected – to ensure that the Bangsamoro Transition Authority will be able to deliver on its commitments.” dagdag ng House Speaker.
##
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home