Friday, November 25, 2022

PAGLABAN SA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE, TIYAK NA MAKAPAGTATA-TATAG SA FOOD SECURITY NG BANSA


Sinabi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na mahalagang mapatatag ang sektor ng agrikultura laban sa epekto ng climate change para matiyak ang food security sa bansa.


Ayon kay Lee, ito ay kanyang pinahayag bilang pagsangayon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa world leaders na palakasin ang food security sa East Asian region.


Idinadag pa ni Lee na dapat bigyan ng suporta at sapat na pondo ang mga programa ng Department of Agriculture para sa research at pagpapatupad ng mga hakbang na tutugon sa epekto ng climate change sa bawat komunidad.


Binanggit ni Lee ang report ng DA na mayroon ng ginagawa ang mga maliliit na magsasaka para harapin ang dulot ng climate change tulad ng aquaculture systems, livestock systems, vegetable production, integrated farming systems, and maize and rice cultivation.


Ngunit ang problema, ayon sa kanya, kulang o walang available sa bansa na improved seed at hindi rin sapat ang kanilang financial resources para makamit ang kailangang kagamitan, kaalaman, at kakayahan.


Tinukoy din ni Lee ang Germanwatch Institute’s 2021 Global Climate Risk Index na nagsasabing ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansang pinaka-apektado ng climate change mula taong 2000 hanggang 2019. 





PAGLABAN SA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE, TIYAK NA MAKAPAGTATA-TATAG SA FOOD SECURITY NG BANSA


Sinabi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang kahalagahan na mapatatag ang sektor ng agrikultura laban sa epekto ng climate change para matiyak ang food security sa bansa.


Ayon kay Lee, ito ay kanyang pinahayag bilang pagsangayon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa world leaders na palakasin ang food security sa East Asian region.


Idinadag pa ni Lee na dapat bigyan ng suporta at sapat na pondo ang mga programa ng Department of Agriculture para sa research at pagpapatupad ng mga hakbang na tutugon sa epekto ng climate change sa bawat komunidad.


Binanggit ni Lee ang report ng DA na mayroon ng ginagawa ang mga maliliit na magsasaka para harapin ang dulot ng climate change tulad ng aquaculture systems, livestock systems, vegetable production, integrated farming systems, and maize and rice cultivation.


Ngunit ang problema, ayon sa kanya, kulang o walang available sa bansa na improved seed at hindi rin sapat ang kanilang financial resources para makamit ang kailangang kagamitan, kaalaman, at kakayahan.


Tinukoy din ni Lee ang Germanwatch Institute’s 2021 Global Climate Risk Index na nagsasabing ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansang pinaka-apektado ng climate change mula taong 2000 hanggang 2019.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home