MODERNISASYON NG PNPA AT DAGDAG BENEPISYO SA MGA KADETE, ISUSULONG SA KAMARA
Nangako ng buong suporta si House Speaker Martin Romualdez na isulong ng Kamara ang modernisasyon ng Philippine National Police Academy o PNPA.
Sinabi ni Romualdez ito sa pagdalo niya kanina sa flag raising ceremony at sa Distinguished Visitors Program sa PNPA Grandstand sa Camp General Mariano N. Castaneda sa Silang, Cavite.
Ayon kay Romualdez, panahon na para sa modernization ng PNPA para maturuan ang mga police corps ng makabagong paraan at skills sa paglaban sa mga kriminal.
Sabi ni Romualdez, importante din na mapalakas ang morale ng mga kadete ng PNPA at bigyan sila ng mga benepisyo sa panahon ng disability, karamdaman o sakaling masawi habang ongoing ang training.
Kapag naisulong ang dagdag na mga benepisyo, naniniwala si Romualdez na marami ang mahihikayat na pumasok sa PNPA at madagdagan ang pwersa ng kapulisan.
Noong nakalipas na 18th Congress, may inilaang budget sa DILG para mapunan ang 30,914 vacant positions ngayong taon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home