Sunday, November 20, 2022

MGA TANGGAPAN NG SPEAKER AT TINGOG PARTYLIST, NAMAHAGI NG RELIEF AID SA MGA BIKTIMA NG BAHA SA DAVAO

Binisita ng mga opisyal mula sa mga Tanggapan ni Speaker Martin G. Romualdez at ng Tingog Party-list ngayong Linggo ang bayan ng Malalag, Davao del Sur na sinalanta ng malawakang pagbaha dahil sa matinding pag-ulan, upang mamahagi ng relief goods sa mga biktima.


Namahagi ngayong Linggo ang Tanggapan ng Speaker ng 1,300 relief packs sa mga biktima, at namahagi naman ng 1,000 food packs noong Biyernes at Sabado sina Tingog Party-list led by Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa mga biktima. 


“In keeping with our commitment to provide relief and assistance, we immediately respond to help our people who are in desperate need of food and other basic necessities in times of calamities,” ani Acidre.


Ang Alagang Tingog Digos ang nanguna sa pamamahagi ng tulong sa bayan ng Malalag. 


Simula pa noong ika-17 ng Nobyembre ay nagpapakain na ng lugaw ang grupo sa mga apektadong mamamayan.


Tumutulong rin ang mga naturang grupo sa pagbibigay ng matutulugan sa mga residente na ang kanilang mga bahay ay winasak ng kalamidad.


Sa Lunes ay nakatakdang mamahagi naman ang Alagang Tingog GenSan ng relief assistance sa bayan ng Alabel, Sarangani.


Noong nakaraang Lunes, ay nagdiwang si Speaker Romualdez ng kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pangangalap ng pondo na umabot sa P70.92-milyon na pinansyal at pledges para sa mga biktima ng kalamidad, na kung saan ay naging unang benepisaryo ang mga biktima ng sunog sa Navotas, nang halagang P5-milyon at relief goods.


Nauna nang nakakalap ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng halagang P49.2-milyon ng pinansyal na kontribusyon at pangako, at in-kind na mga donasyon tulad ng mga kumot, pagkain, at toiletries mula sa mga mambabatas at mga pribadong indibiduwal para sa Paeng relief drive.


Umabot na sa kabuuang P120-milyon na pinansyal na mga donasyon ang nakalap simula nang umpisahan ang Paeng relief drive.


Nagpahayag ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng kanilang, “sincerest and profound gratitude and appreciation” sa kanilang mga miyembro, volunteers, at mga pribadong indibiduwal na tumulong sa kanilang fund drive, sa pamamagitan ng House Resolution (HR) No. 531, na nagkakaisang pinagtibay ng mga mambabatas. #

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home