PROYEKTONG FIBER OPTICS NG MMDA, SISIYASATIN NG KAMARA
Iminungkahi ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza na imbestigahan ang proyektong na bid out ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa NCR Fiber-Optic Backbone Development na nagkakahalaga ng P1.1-billion.
Sinabi ni Daza na ang nasabing pondo ay originally allocated para sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na magbibigay ng 105,000 free public Wi-Fi hotspots sa halagang P12 billion.
Bahagi din ng alokasyon ang nasa P3 billion hanggang P4 billion na ibibigay sa MMDA at iba pang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng Memorandums of Agreement (MOAs).
Ipinunto ng mambabatas na tanging ang Kongreso ang maaaring magbigay ng go signal na naaayon sa batas kung dapat magkaroon ng fund transfer.
Dagdag pa ng solon na iisa lamang ang bidder sa naturang proyekto, ang joint venture na A-Win and Net Pacific, Inc.
Kinuwestiyon din ni Daza ang paraan ng paggastos ng MMDA sa naturang pondo.
Maging ang validity ng joint ventures ay kinuwestiyon din ng mambabatas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home