PANUKALANG MAGTATAYO NG MGA EVACUATION CENTER SA BANSA TINALAKAY, SA KAMARA
Muling nagsagawa ng pagpupulong ang House Committee on Disaster Resilience upang talakayin ang mga panukalang batas na magtatatag ng karagdagang mga Evacuation Center sa bansa.
Sinabi ni Agusan Del Norte 2nd District Rep. Dale Corvera na kanilang sinimulang i-duscuss ang substitute bill hinggil sa mga panukalang nakahain sa Kamara ukol sa pagtatatag ng mga Evacuation Centers sa bansa upang sila ay makapag-sumite na ng pag-uulat sa plenaryo nito.
Ipinahayag pa ni Corvera na target ng pagsasabatas na ito na maipatayo ang mga evacuation center sa mga lungsod at munisipalidad ng bawat rehiyon o sa mga lalawigan.
Layunin ng mga proposed measure na mapaigting ang mga isinasagawang aksyon ng gobyerno at ng mga lokal na pamahalaan sa panahon ng kalamidad upang maseguro na agad na natugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng apektadong mga residente o pamilya.
wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home