Sunday, November 20, 2022

DS AT FORMER PRESIDENT GMA, TINAWAG NI SPEAKER ROMUALDEZ NA “BIG ASSET” NI PBBM SA APEC SUMMIT

(Former President Congw. Arroyo, malaki ang naiambag sa matagumpay na bilateral meeting nina Pang. BBM at Chinese Pres. Xi Jinping, ayon kay Speaker Romualdez)


Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na “big asset” ni Pang. Ferdinand Marcos Jr si Dating Pangulo at ngayon ay Congw. Gloria Macapagal Arroyo sa naging pagdalo ng Punong Ehekutibo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.


Ginawa ni Romualdez ang pahayag kasunod ng naganap na pagpupulong nina Pang. Marcos at Chinese Pres. Xi Jinping sa sideline ng APEC Summit.


Ayon kay Romualdez, bago kasi ang naging pag-uusap ng dalawang lider, binigyan muna ng advice o payo ni Arroyo ang Punong Ehekutibo upang masiguro na magiging produktibo ang resulta ng pakikipagpulong nito sa pinuno ng China.


Giit ng House Speaker, napakahalaga ng ibinigay na advice ng  Dating Pangulo dahil matapos aniya ang bilateral meeting, agad na binanggit ni Pang. BBM na naging maganda ang kanyang pakikipag-usap kay Pres. Xi, at masaya rin itong makita  ang former President ng bansa.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home