PANUKALA SA NATIONAL HIJAB DAY, PASADO SA IKATLONG PAGBASA
Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, Martes ng hapon, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagdedeklara sa ika-1 ng Pebrero ng bawat taon, bilang National Hijab Day at nagmamandato sa pamahalaan na maglunsad ng mga programang pangkamalayan hinggil sa pagsusuot ng hijab ng mga kababaihang Muslim.
Sa nagkakaisang boto na 274, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill (HB) No. 5693, na pinagsamang House Bills Nos. 1363, 3725 at 5736, na pangunahing iniakda nina Maguindanao Rep. Bai Dimple Mastura (1st District, Maguindanao at Cotabato City), Basilan Rep. Mujiv Hataman, Mohamad Khalid Q. Dimaporo, at iba pa.
“The State recognizes the role of women in nation- building and shall ensure the fundamental equality of women and men before the law. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination and or preference, shall be forever allowed,” ayon sa HB 5693.
“The National Hijab Day shall be observed on every first day of February to showcase hijabis’ rights and the Muslim tradition of wearing a hijab. Muslim and non-Muslim women shall be encouraged to don the hijab on this day,” dagdag pa nito.
Ang ilan pang mga may-akda ng panukala ay sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Patrick Michael “PM” D. Vargas, Ralph Recto, Jurdin Jesus M. Romualdo, Alfred Delos Santos, Yasser Alonto Balindong, Sittie Aminah Q. Dimaporo, Ziaur-Rahman “Zia” Alonto Adiong, Mohamad P. Paglas, Princess Rihan M. Sakaluran, Shernee A. Tan-Tambut, Stephen James T. Tan, Dimszar M. Sali, Jonathan Clement M. Abalos II, Florida “Rida” P. Robes, Harris Christopher M. Ongchuan, Ramon Jolo B. Revilla, Maria Carmen S. Zamora, Noel “Bong” N. Rivera, Juan Carlos “Arjo” C. Atayde, Ambrosio C. Cruz Jr., Jonathan Keith T. Flores, Carl Nicolas C. Cari, Emigdio P. Tanjuatco III, David “Jay-Jay” C. Suarez, Linabelle Ruth R. Villarica, at Carmelo “Jon” B. Lazatin II.
Inaprubahan din ng Komite ng Muslim Affairs na pinamumunuan ni Rep. Khalid Dimaporo ang panukala. Ang panukalang National Hijab Day Bill ay ipinasa na rin sa ikatlo at huling pagbasa noong ika-18 Kongreso subalit hindi na ito naaprubahan sa Senado.
Ayon sa panukala, ang “hijab” ay tumutukoy sa “a veil that covers the head and chest, which is particularly worn by a Muslim female beyond the age of puberty in the presence of adult males outside of their immediate family.”
Ang termino ay ginagamit rin upang ilarawan ang anumang ulo, mukha, o katawan na tinatakpan ng kasuotan ng kababaihang Muslim na, “that conforms to a certain standard of modesty.”
Ang hijabi, ay tumutukoy naman sa kababaihang Muslim na nakasuot ng hijab.
Layunin ng panukala na: hikayatin ang mga Muslim at hindi Muslim na kababaihan na magsuot ng hijab at maranasan ang katangian ng pagsusuot nito; alisin ang anumang maling akala na ang pagsusuot ng hijab ay simbolo ng pang-aapi, terorismo at kakulangan ng kalayaan; itigil ang diskriminasyon laban sa Muslim hijab; protektahan ang kalayaan sa relihiyon at karapatan ng mga kababaihang Muslim sa kanilang relihiyon; isulong ang malalimang pang-unawa sa mga hindi Muslim, sa kahalagahan ng pagsusuot ng hijab bilang larawan ng kahinhinan at dignidad ng mga kababaihang Muslim; isulong ang pagpapahalaga sa pagkakaiba ng pagpapahayag ng sarili; at isulong ang pagpaparaya at pagtanggap ng iba’t ibang uri ng pakikisalamuha sa pamumuhay ng mga mamamayan.
“Government institutions, schools, and the private sector shall be encouraged to observe this event in a manner that promotes understanding and awareness among its employees and students of the objective of the campaign,” ayon sa panukala.
Iminamandato rin ng HB 5693 sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) bilang pangunahing ahensya na magsusulong at magpapalaganap ng kamalayan hinggil sa pagsusuot ng hijab.
“It shall conduct activities that shall aim to deepen understanding of the hijab as a lifestyle choice amongst Muslim women. To this end, it may conduct fora, information dissemination campaigns and other educational drives to effectively meet the objectives of this Act,” ayon pa sa panukala.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home