PAGSAMA NG PAKSA SA HEIs SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS SA PANAHON NG PANGALAWANG DIGMAANG PANDAIDIG AT PANUKALANG NATIONAL HIJAB DAY, PASADO NA SA HULING PAGBASA Pa
sado na ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang House Bill 5719, na isinasama ang komprehensibong pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng Panglawang Digmaang Pandaidig (WWII) sa kurikula ng higher education. Pangangalagaan nito ang mga kwento ng mga pakikipaglaban at kabayanihan ng mga kawal na Pilipino noong panahon ng WWII, kabilang na ang kanilang mga mahahalagang papel sa paglupig sa mga mananakop na Hapon, upang ipaglaban ang kasarinlan at kalayaan ng Pilipinas. Layon nitong ituro sa mga kabataan ang diwa ng pagka-makabayan at nasyonalismo, pagmamahal sa sangkatauhan, paggalang sa karapatang pantao, at ang pagpapahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga pambansang bayani. Sa ilalim ng HB 5719, aatasan nito ang Commission on Higher Education (CHED), sa pakikipag-ugnayan sa Department of National Defense - Philippine Veterans Affairs Office (DND-PVAO), na magbalangkas ng mga programa at himukin ang lahat ng higher educational institutions na maglaan ng mga aklatan para sa WWII, kung papaano ito nangyari sa Pilipinas. Nagkakaisang ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng mga mambabatas ang HB 5693, na nagdedeklara sa ika-1 ng Pebreo bawat taon bilang “National Hijab Day,” sa 274 pabor na boto. Layon nitong isulong sa mga hindi Muslim ang hinggil sa pagsusuot ng hijab bilang larawan ng kahinhinan at dignidad. Isusulong ng panukala sa publiko at pribadong sektor ang paggunita sa okasyon na nagsusulong ng pang-unawa at kamalayan sa kanilang mga kawani at mag-aaral hinggil sa relihiyon ng mga Muslim, at kultural na tradisyon ng pagsusuot ng hijab. Pinangunahan ni Deputy Speaker Isidro Ungab ang hybrid na sesyon sa plenaryo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home