Wednesday, November 09, 2022

SPEAKER ROMUALDEZ: 'LESSONS LEARNED FROM YOLANDA IS PART OF FILIPINO’S RESILIENCY VS. CALAMITIES'

SIYAM na taon matapos na manalasa ang bagyong Yolanda ngayong Martes, ika-8 ng Nobyembre, ang mga aral na napulot mula sa trahedyang ito ay patuloy na gumagabay sa bansa, sa pagtugon sa mga kalamidad at bigyang-halaga ang kakayahan ng mga Pilipino na magkaisa at tumulong sa kapwa sa panahon ng krisis, ito ay ayon kay Speaker Martin G. Romualdez kahapon, Lunes.


“As we commemorate the ninth anniversary of Yolanda that battered the country, most especially Eastern Visayas, we honor and offer prayers to those who perished during this unfortunate event, as we raise our glasses to the brave souls, our first responders, who put the lives of others above their own during the onslaught of the super typhoon,” ani Romualdez.


“This resilience is borne in part by the sacrifices of our first responders, our unity in the face of adversity, and our propensity for compassion toward our fellow citizens in times of calamities,” dagdag ni Romualdez.


Ang bagyong Yolanda, na tinagurian bilang Category 5 typhoon ay isa sa pinakamalakas na tropical cyclones na naitala sa kasaysayan, na nagpadapa sa lahat ng nakatayong istraktura sa Silangang Bisaya noong 2013. Si Romualdez, na kumakatawan sa Leyte, ay mula sa Tacloban, na labis na sinalanta ng Yolanda.


“While it is very difficult to forget the horrors we faced during Yolanda, the important thing is we learned from this harrowing experience. And if we learned from this tragedy, we continue to honor those who perished and those who willingly sacrificed their lives for the benefit of others,” ani Speaker.


“We have recovered fully from Yolanda, and this is a testament to the Filipinos’ resiliency. Whatever calamity we will face – and surely there will be in the future – we can overcome because of this resiliency and our sincere compassion toward our fellow Filipinos," ayon pa kay Romualdez.


Ang Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Romualdez at iba pang mga kinatawan, ay nangalap ng mahigit na P75-milyong pinansyal at in-kind na mga donasyon mula sa mga mambabatas at mga pribadong donors, para sa mga pamilyang apektado ng katatapos na bagyong Paeng. 


Ang mga pagsisikap na ito ay pinangunahan nina TINGOG Party-list Reps. Yedda Romualdez at Jude Avorque Acidre, House Committee on Appropriations Chairman, Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, House Majority Leader Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, at iba pang mga pinuno ng Kapulungan.


“Kaya malapit sa puso namin ang pagtulong sa panahon ng kalamidad, dahil kami mismo ay recipient ng nag-uumapaw na compassion mula sa maraming tumulong sa amin noong panahon ng Yolanda. Compassion is what we Filipinos will never run out of,” ani Romualdez.


“But the real heroes behind our recovery from every calamity are really our first responders and rescue workers. Sila ang nagri-risk ng kanilang buhay para sa kaligtasan ng iba. They are the true heart and soul of our resilience,” dagdag pa niya.


Sa resolusyong inihain ni Romualdez at iba pang mambabatas sa Kapulungan, ay nagbigay-pugay sila sa limang rescue workers na lahat ay nasawi habang ginagampanan nila ang kanilang sinumpaang tungkulin. 


Sila ay sina Narciso Calayag Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin, na lahat ay nasawi habang inililigtas nila ang ilang tao sa kasagsagan ng super typhoon “Karding” sa Bulacan. 


“They – our first responders and rescue workers – do not only put their lives on the line during calamities, but they also greatly help in the recovery and rehabilitation of calamity-affected areas. They are our unsung heroes and they all deserve all the recognition,” ayon sa Speaker.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home