MGA PANUKALANG BATAS NA NAGDEDEKLARA NG PAMBANSANG ARAW NG MGA MAGSASAKA, PAMBANSANG ARAW NG ROTARY, INAPRUBAHAN NG KOMITE
Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Revision of Laws sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Manila Rep. Edward Vera Perez Maceda, ang House Bill 1112, na nagdedeklara sa ika-22 ng Enero ng bawat taon bilang isang special working holiday na tatawaging “National Farmers Day”.
Sinabi ni GABRIELA Rep. Arlene Brosas, may-akda ng panukalang batas, na noong ika-22 ng Enero 1987 naganap ang “Mendiola Massacre”.
Ipinaliwanag niya na noong araw na iyon kung saan ang mga magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ay nagpasyang magmartsa sa Malacañang upang ipahayag ang kanilang kahilingan para sa tunay na repormang agraryo, ay marahas na itinaboy ng mga pwersang panseguridad, na nagresulta sa pagkasawi ng ilan.
Sinabi ni Brosas na layon ng panukalang batas na bigyan ng nararapat na pagkilala at parangal ang mga magsasaka, na nakibaka para sa lupa at hustisya.
Katulad nito, inaprubahan ng Komite ang mga HBs 2127, 2532, 3745, 4612 at 5009, na nagdedeklara sa ika-23 ng Pebrero ng bawat taon bilang isang espesyal na working holiday, na tatawagin bilang "National Rotary Day".
Sa kaniyang pag-isponsor ng HB 2127, ipinaliwanag ni Baguio City Rep. Mark Go na ang petsang ito ay kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Rotary Club of the Philippines. Sinabi niya na kinikilala ng panukala ang pakikibahagi ng organisasyon sa iba't ibang mga sosyo-sibikong mga layunin na tutulong sa pagbuo ng bansa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home