PAGKAKALOOB NG KARAGDAGANG SOCIAL SAFETY BENEFITS SA MGA MAMAHAYAG, ITINUTULAK SA KAMARA
Isinusulong ngayon sa Kamara ang pagbibigay ng karagdagang social safety nets sa lahat ng mga
journalist o mamamahayag.
Sinabi ni ni House Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar na sa kanyang panukala, ang HB06543, nararapat lamang na mapagkalooban ng disability, health at hospitalization benefits ang bawat media practitioner upang mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
Ayon kay Villar, marami sa mga media practioner ang tumatanggap ng mga delikadong assignment bitbit ang kanilang passion sa napiling propesyon.
Nakasaad din dito na dapat ring mabigyan ng insurance benefits ang mga freelance journalist sa pamamagitan ng Social Security System at Government Service Insurance System o GSIS.
Dagdag ni Villar, dapat lamang na mabigyan ang lahat ng frontliner journalists o iyung mga nasa field assignments ng disability benefits na aabot sa P300,000 at P300,000 din para sa death benefit habang nasa 200k pesos naman ang medical reimbursement cost sakaling maospital dahil sa kanilang trabaho.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home