Thursday, January 12, 2023

PAUNANG PAGTALAKAY SA SUBSTITUTE BILL NA MAG-AAMYENDA SA BATAS NG 4Ps, ISINAGAWA NG KOMITE

Nagsagawa ng pagtalakay kahapon (ngayong Miyerkules) ang Committe on Poverty Alleviation sa Kamara na pinamumunuan ni 1-PACMAN Rep. Michael Romero hinggil sa draft substitute bill na naglalayong amyendahan ang Republic Act 11310 o ang "Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act." 


Pagsasama-samahin ng draft substitute bill ang House Bills 2422 at 4366, na iniakda nina Agri Rep. Wilbert Lee at ParaƱaque City Rep. Gus Tambunting. 


Ang pagpupulong ay pinanutbayanan ni Committee Secretary Ma. Lourdes Mendoza, kung saan tinalakay ng Komite ang pagsasama ng pagtataguyod ng mga programa sa pagnenegosyo at pangkabuhayan upang masuportahan ang pagpapaunlad ng mga benepisyaryo ng 4Ps. 


Sa halip na mga subsidya sa kuryente lamang, isasama sa draft substitute bill ang mga karagdagang programa sa pagsasanay tulad ng pagnenegosyo, pangkabuhayan, at Alternative Learning System (ALS). 


Sumang-ayon ang Komite na ang mga kasanayan sa pagsasanay na ito ay dapat na maging isang kinakailangang programa at maaaring ialok sa ikalawang taon ng kanilang pagpapatala sa programa. Gayundin, kasama sa mga paunang talakayan ang pagkakataon ng mga benepisyaryo ng 4Ps na pumili ng kabuhayan na tumutugma sa kanilang mga interes at kakayahan.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home