Thursday, January 12, 2023

REKOMENDASYONG PAGSASAILALIM SA COVID-19 TESTING NG MGA PASAHERO GALING SA CHINA, WALANG BASEHAN

Nanawagan si House Deputy Majority Leader & Iloilo First District Representative Janette Garin sa Pamahalaan na huwag magpadalus dalos sa pagpapasya kaugnay sa napaulat na pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa China.


Pahayag ito ni Garin kasunod ng rekomendasyon ng Department of Transportation na isailalim sa COVID 19 testing ang mga byahero galing sa China.


Sa tingin ni Garin, walang scientific basis ang naturang rekomendasyon. 


Payo ni Garin, konsultahin muna ang World Health Organization at Chinese Embassy kaugnay sa tunay na sitwasyon sa China bago magpatupad ng bagong patakaran.


Ayon kay Garin, huwag sana tayong umabot sa punto na masyado na nating iniisip ang sitwasyon sa China pero nakakalimutan na sa Pilipinas marami pa rin tayong kaso. 


Binigyang-diin ni Garin ang pananatili ng COVID kaya ang mas dapat na pagtuunan ng gobyerno ay kung paano natin mapapataas ang bilang ng mga Pilipinong nagpabakuna laban para mapanatili o mapag-ibayo pa ang resulta ng ating paglaban sa pandemya.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home