IKALAWANG PAMPUBLIKONG KONSULTASYON HINGGIL SA MGA PANUKALANG BATAS NA NAIS AMYENDAHAN ANG SALIGANG BATAS, ISINAGAWA
Nagpulong ngayong Lunes ang Komite ng Constitutional Amendments sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez upang ipagpatuloy ang deliberasyon sa mga nakabinbing mga panukalang batas na layong amyendahan ang Saligang Batas batay sa naganap na ikalawang pampublikong konsultasyon. Ito ang mga House Bills (HBs) 4926, 4421, 6698, 6920; Resolution of Both Houses (RBHs) 1, 2, 3, 4 & 5; at People’s Initiative /1.
Binigyang-diin ni Rep. Rodriguez na may responsibilidad ang Kongreso na gampanan ang mandato nito na regular na suriin ang patuloy na kaugnayan at pagiging epektibo ng mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon upang matiyak kung makakatulong pa rin ang mga ito sa paglikha ng mas maraming trabaho at tumulong sa paglalagay ng pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino, “Otherwise, we will be remiss in our role as representative.”
Lubos namang hindi katanggap-tanggap para kay KABAYAN Rep. Ron Salo na kailangang pang umalis ng bansa ang mga Pilipino upang maghanap ng mas magandang oportunidad at mas magandang buhay sa kabila ng posibleng mga panganib sa kanilang pisikal at mental na kapakanan, “The lack of employment opportunities, which is insufficient to the needs of the people, their families and country, is a problem that we must urgently solve.”
Binanggit ni Salo ang maraming pananaliksik na pumupunto na ang kakulangan ng mga pagkakataon ay dahil sa mga paghihigpit sa Konstitusyon sa pagpasok ng dayuhang kapital.
Sinabi pa niya na ang mga paghihigpit na ito ang humahadlang sa paglago ng ekonomiya, nababawasan ang pagiging mapagkumpitensya sa mga industriya ng bansa at sa huli, ay pumipigil sa pambansang pag-unlad sa paglipas ng mga taon.
“By preventing foreign competitors, the same monopolies continue … and the country’s economic growth continues to exclude the poor,” ani Salo.
Si Rep. Salo ang may-akda at isponsor ng HB 6920, na naglalayong magpulong sa pamamagitan ng constitutional convention upang amyendahan ang 1987 Constitution.
Ipinahayag ni Rodriguez na patuloy na diringgin ng Komite ang mga pananaw ng iba't ibang eksperto at sektor sa pag-amyenda ng Konstitusyon at sasagutin ang mga isyu sa pangangailangang amyendahan ang Konstitusyon; ang gustong pamamaraan; at mga partikular na susog, kung mayroon man.
Pinakinggan ng Komite and mga pananaw at opinyon ng mga sumusunod: Tanggulang Demokrasya President at General Counsel Atty. Demosthenes Donato, na nagpakita ng balangkas ng Konstitusyon halaw sa mga mamamayan; CORRECT Movement Chairperson Orion Perez Dumdum; Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Chairman Emeritus Rafael Mariano at KMP Secretary General Danilo Ramos, ANG PAMILYA MUNA Party-list President/Chairman Willie Villarama, Legal Rights and Natural Resources Center Legal Service Coordinator Atty. Rolly Peoro; at Sandino Soliman ng CODE NGO, at iba pa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home