PAGKILALA SA MGA ARTISTA NG BANSA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL ARTS MONTH, PINANGUNAHAN NG MAMBABATAS
Sa kanyang privilege speech ngayong Lunes sa plenaryo, iginiit ni Rep. Christopher de Venecia (4th District, Pangasinan), Chairman of the Special Committee on Creative Industry and Performing Arts, ang “(the) duty of our government to preserve, safeguard, enrich, and evolve our climate into one that allows free artistic and intellectual property expression to shape an artistic and a creative future,” sa pagdiriwang ng National Arts Month.
Alinsunod sa Article XIV, Section 15, ng Saligang Batas na nagsasaad na “Arts and letters shall enjoy the patronage of the State.”
Inilarawan ni De Venecia ang sining sa Pilipinas bilang “not in its best state,” at idinagdag na “there is definitely room for growth. I still believe that we are in a prime position to create an environment where our artists can thrive towards national development, thanks to the institution of legislation that could enable these. The ball is now on us in government to nurture this environment through the funding of programs and the realigning of thrusts towards the arts, culture, and creativity.”
Binanggit niya ang pangkalahatang kakulangan ng mga permanenteng galerya sa kanayunan, pangkalahatang kakulangan ng mga mekanismo sa pamahalaan upang magbahagi ng mga benepisyo sa mga lokal na artista, at kakulangan institusyunal na suporta para sa edukasyong pang-sining sa mga paaralan, hinggil sa ilang mga usapin na kinakaharap ng visual arts sa kasalukuyan.
Ayon kay Rep. de Venecia, ang mga nasa larangan ng arkitektura ay apektado ng mga magkakapatong na responsibilidad ng mga arkitekto, landscape architects, at interior designers na nagiging dahilan ng tensyon sa kanilang industriya, gayundin ang maluwag na implementasyon ng mga IRRs ng Republic Act No. 9266, o ang Architecture Act of 2004.
Ang pangunahing usapin sa literatura, aniya, ay kinabibilangan ng pagsusustini, dahil ang mga raw materials tulad ng pagtaas ng halaga ng papel at tinta, habang nalulugi naman mula sa mga sektor ng kalatas o advertising, na nagpapaikot sa mga nag-iimpluwensya at mga platapormang digital, at iba pa.
Binigyang-diin rin ni Rep. de Venecia kung papaano ang pelikula ay hindi naa-akses tulad ng dati.
Gayunpaman, pinasalamatan ni Rep. de Venecia ang mga nagtatanghal sa bansa, mga gumagawa ng pelikula, mga nagdi-disenyo, mga manunulat, mga musikero, mga nagpipinta, at iba pa, sa pagbibigay sa bansa at sa mga Pilipino ng naiibang pagkakakilanlan. Sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 683 ay itinatakda nito ang Pebrero bilang National Arts Month, bilang pagkilala sa papel ng sining at kultura sa paghuhubog ng ating lipunan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home