TIYEMPO, MODALIDAD AT PRAYORIDAD NA MGA AMYENDA SA 1987 KONSTITUSYON, TINALAKAY NG LUPON SA KAPULUNGAN
Ipinagpatuloy ng Komite ng Constitutional Amendments sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ngayong Lunes ang patuloy na deliberasyon sa mga panukala sa repormang konstitusyonal sa 1987 Saligang Batas, upang talakayin ang tiyempo, modalidad at mga prayoridad na probisiyon para sa pag-amyenda nito.
Sa pulong na pinangunahan ni Committee Vice-Chairperson and Zamboanga del Sur Rep. Divina Grace Yu., ipinaliwanag ni dating National Security Adviser Dr. Clarita Carlos na ito na ang tamang panahon upang amyendahan ang 1987 Konstitusyon, “The moment you have a basic law or the fundamental law, which is no longer producing the kinds of desired results, then you do something about it.”
Hindi man alintana ang modalidad, sinabi ni Carlos na ang mga probisyon para sa pag-amyenda ay dapat na piliin, batay sa posibleng resulta at mga ipinapalagay na epekto.
Sumang-ayon rin si Political Science Professor Edmund Tayao kay Carlos, at tinukoy ang mga reporma sa halalan at partido pulitikal bilang mga prayoridad, “We have to amend them to strengthen accountability and perhaps consider other reforms later.”
Tinalakay naman ni Local Government Development Institute of the Philippines (LGDIP) Attorney Vicente Revil ang ilang mga bahid sa kasalukuyang Konstitusyon, tulad ng sobrang lawak, mahihigpit na probisyon sa ekonomiya, kakulangan sa pagpapatupad, mga probisyon sa anti-political dynasty, mahinang sistema sa partido pulitikal, problemadong proseso sa pagpili sa hudikatura ng Konstitusyon, at iba pa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home